Martes, Enero 8, 2013

Mga Katangian ng Pilipino


MGA KATANGIAN NG PILIPINO



Pananampalataya sa Panginoon
Tayo ay nagsisimba sa mga simbahan kung saan tayo ay naglilingkod sa Panginoon , Dito rin tayo nakikipag-usap sa Panginoon kahit sa bahay o sa anumang lugar ay pwede tayo magdasal .


Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. 
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang bawat isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. 


Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.


Pagsasalo-salo
Tayo ay nagsasalo-salo kapag merong okasyon na dumaan , magsasalo-salo tayong lahat na magkakapamilya at magsasaya sa selebrasyon o pagsasalo-salo .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento