Linggo, Enero 13, 2013

Mga Manlalaro nating Pilipino dito sa Pilipinas na lumalaban na din sa Asya


Mga Manlalaro nating Pilipino dito sa Pilipinas na lumalaban na din sa Asya


Lydia de Vega-Mercado
Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega.
Akiko Thomson
Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito.
Felix Barrientos
Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa isa sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto.

Rafael "Paeng" Nepomuceno
Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. 
Gabriel "Flash" Elorde
Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal.
Eugene Torre
Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pati na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. 

Robert Jaworski at Ramon Fernandez
Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.


Martes, Enero 8, 2013

Halika na sa Mindanao !!


Tara na sa Mindanao!
Tara na, tuklasin natin ang ganda ng Mindanao!
pearl_farm
Ang Davao City ang commercial at economic na sentro ng Mindanao.  Maraming magandang mga resorts ang nakatayo dito tulad na lamang ng Pearl Farm at mga resorts sa Samal Island.

Sa Cagayan de Oro maaaring maranasan ang kakaibang white water rafting adventure

Sa Camiguin Island matatagpuan ang tanyag na Underwater Cemetery at Hibok-hibok Volcano.


Ang Siargao Island ang binansagang surfing capital ng Pilipinas. 



Ang Bukidnon ay tahanan ng pinakamalaking plantasyon ng pinya.

Tayo naman ay maglakbay sa Visayas !!

Tara na sa Visayas
  



Bohol Chocolate Hills - Dito matatagp
uan prang mga tsokolateng bundok .


Puerto Prinsesa - Ito rin ang magandang tanawin . Nasali to sa mga pinakamagandang tanawin o pasyalan sa Pilipinas .

Mga Pangunahing Manunulat na Pilipino


Dr. Jose Rizal
Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. 
Francisco Baltazar
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat.
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 .
Marcelo H. del Pilar
Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. 
Nick Joaquin
Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. rait of the Artist as Fili
Jose Garcia Villa
Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award.  Many Voices.

N.V.M. Gonzales
Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin.  Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.           



Mga Katangian ng Pilipino


MGA KATANGIAN NG PILIPINO



Pananampalataya sa Panginoon
Tayo ay nagsisimba sa mga simbahan kung saan tayo ay naglilingkod sa Panginoon , Dito rin tayo nakikipag-usap sa Panginoon kahit sa bahay o sa anumang lugar ay pwede tayo magdasal .


Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. 
Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang bawat isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. 


Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.


Pagsasalo-salo
Tayo ay nagsasalo-salo kapag merong okasyon na dumaan , magsasalo-salo tayong lahat na magkakapamilya at magsasaya sa selebrasyon o pagsasalo-salo .